<body>

RECENT ENTRIES
♥ Dugong Bayani?
Friday, September 12, 2008 / 2:51 AM
Kanina sa Cubao.
May nakasakay ako sa jeep na dalawang dalaga. Nasa tabi ako ng driver nakaupo at yung dalawa ay sa bandang dulo ng jeep. Bumaba na lahat ng pasahero at kami na lang ang naiwan. Nagtanong ang isa na ibaba sila sa Cubao, sabi ng mama
"Cubao na 'to.." Nagpapatulong pa kung saan ang sakayan ng tren. Eheeem! Napangiti ako, mukhang hindi sila tagarito. Tinanong sila ng driver "Saan ba ang punta nyo?" Nagtanungan pa yung dalawa, "Saan nga ba tayo?" Sabay tawa. Sinabi na lang din nung isa na galing pa sila ng palawan at papunta raw sila ng North Edsa. Kaya pala. Hindi nga sila taga-Maynila. Pati tuloy ako eh natawa na rin habang naririnig ko silang nag-uusap. Naisip ko, "Samahan ko kaya?" Pero dahil nagmamadali ako, bumaba na ako ng jeep at naglakad. Pero sa isip ko gusto ko silang samahan. Bandang kanan sila itinuro nung driver, tapos ako dumeretso. Pero sa dulo nun pwede ko pa rin silang matanaw. Kaya naiisip kong subukan silang abangan mismo sa hagdan paakyat ng MRT. Medyo nakaramdam ako ng pag-alala na baka maligaw ang mga bagong-salta na yun sa Manila, marami pa namang siraulo dito baka lokohin lang sila ng mga taong susunod na mapagtatanungan nila. Isa pa, yung isa text ng text baka mahablutan ng celphone, siguro ang katext nya eh yung pupuntahan nila. Pero hindi ko na sila nakita dahil sa dami ng tao. Sabi ko sa sarili ko, "Sana sinamahan ko na lang para nakasakay sila ng MRT, nakilala ko pa sana at nagkaroon ng bagong friends. Malay ko ba kung maligaw naman ako sa Palawan, eh di may kakilala naman ako kahit papa'no.."


Last week sa Footbridge sa Quezon Avenue.
Pag-akyat ko may isang ale na nakahinto lang sa may hagdan paakyat. Mukhang hingal na hingal na at mahahaba-haba pa ang lalakarin para makatawid sa kabila. May mga dala syang bagahe, dalawang bag na malalaki at isang plastic bag. Nung nakatalikod s'ya, iisipin kong para s'yang si mama, pero alam ko namang hindi... sa ganung oras ng hapon nasa trabaho pa si mama. Habang palayo ako, nililingon ko sya.
"kawawa naman. Tulungan ko kaya?" Yun yung naisip ko kaya bumalik ako. Kunwari ay bumili ako ng candy sa katapat nyang nagtitinda. Paglingon ko uli, nagsimula na syang umakyat. Naisip ko, "Mukhang kaya naman nya." Hindi naman siguro gano'n kabigat yung bitbit nya dahil dire-diretso syang naglalakad. Nung una mabagal lang din ang hakbang ko, nasa likuran lang nya ako pero gustong-gusto ko na syang i-approach. Pero since na may fear of heights ako at kung meron lang akong ibang dadaanan except sa footbridge na yun na para sa'kin eh sobrang taas na at nakakalula, hinding hindi ako dadaan dun. Pero wala akong choice. Kaya nagmadali na akong lumakad para makababa na rin agad. Sobrang nalulula na ako lalo na pag nakikita sa gilig ng mata ko yung mga humaharurot na sasakyan. Pakiramdam ko mahuhulog ako. *tawa* Natawa rin talaga ako sa sarili ko dahil gusto kong tulungan yung ale sa bitbit nya tapos ako mismo kailangang tulungan ang sariling ma-overcome yung fear ko. Baka mauna pa ako sa aleng himatayin pag matagalan ako. Pero nanghinayang ako sa pagkakataon kong tulungan yung ale.


Last month, sa kabilang side naman ng Footbridge na yun sa Quezon Avenue.
May mga nakasabay naman akong mg batang nag-uusap. Medyo narinig ko rin na poinag-uusapan nila kung paano sila makakauwi, nagsisisihan... Maya-maya inapproach ko na sila at tinanong kung anong problema. Yun nga daw, nawala daw yung wallet ng isang bata na nakalagay dun yung ipampapamasahe nila pauwi. Galing daw sila sa ABSCBN at nanood ng Pinoy Dream Academy 2, maraming tao at doon siguro nawala yung wallet nya. Naawa ako at unabutan ko ng P50. Wala na rin akong extrang pera maliban dun. Parang ayaw pa ng mga batang kunin, siguro ang iniisip ay kulang pa. Ang sabi ko, "Kung ayaw n'yo, aalis na ako.." sabay lakad ng marahan. Sabi ng isang ale na kumausap din sa kanila, "Kunin n'yo kesa wala kayong pamasahe..." Tinawag ako ng bata, "Ate, pwede na po 'yan!"

Ayun! Binigay ko na.


Ang sarap ng pakiramdam na makatulong sa tao...






to be cont.

Labels:




ABOUT
♥ JC
Age, school, interests; You know the drills.

TAGBOARD
Tagboard max width 160px.

DEEJAY
Your music here, or advertisements?

AFFILIATES
Link
Link
Link
Link
Link
Link
Link
Link

© Layout done by materialisti-c. xoxo