♥ Ayoko nito...
Wednesday, September 10, 2008 / 1:45 AM
Hindi ko na macontain yung pain... Hindi ko na nga kayang i-handle ang sarili ko ng maayos eh. Yun bang lahat ng ginagawa ko eh bahala na lang... asar nga!
Gusto ko mag-iinom, matagal ko ng sinasabi yun kay Epoy pero laging hindi natutuloy. Ayoko ng umiinom eh, ayoko ng alak. Huli akong nalasing 5 years ago na at sinabi ko sa sarili ko hindi na yun mauulit. Pero 'eto ako, naiisip ko na naman. Gusto kong magpakalango sa alak kahit isang gabi lang, yung tipong hindi na ako mag-iisip pa ng mga bagay-bagay bago matulog, yun g makakalimutan ko pati sarili ko at yung nararamdaman ko kahit ilang oras lang. Gusto kong iiyak lahat, lahat ng hindi magagandang nangyayari sa buhay ko, lahat ng frustrations at pains ko... Halos gusto ko ng sumabog! Gusto ko ilabas lahat ng nararamdaman ko, pati yung mga kinikimkim kong sama ng loob sa mga taong nakasakit sa akin... Halos magkakasunod lang.. Gusto kong magsisigaw hanggang sa mapaos ako. Pakiramdam ko punung-puno na ang dibdib ko na halos wala ng paglagyan.. Gusto ko kahit papa'no mabawasan man lang...
Ayoko nito, napapagod na ako.. ='(