Nakakatuwang makabasa ng mga blogs about childhood memories. Lalo na kung nakakarelate ka. Nung naligaw ako sa blog ng mga batang kalye (hindi na sila mga bata ngayon, hehe!) na sina Tem-i, Tenco at Tikboy na may titulong, "6PM: Collection of childhood memories" eh natatawa talaga ako sa mga entries nila. Yung iba kasi naexperience ko rin nung batang paslit pa ako. Hindi naman sa batang kalye rin ako, basta! Mas maganda kung bisitahin n'yo rin, diba? For sure naexperience nyo rin ang mga kwento nila nung bata kayo.Napapaisip lang ako, bakit nga ba 6pm yun? Bakit hindi 3pm o kaya 5pm, bakit 6pm? Hehe.. Nangengelam pa eh, 'noh? Pero nainspire din akong magshare ng ilang childhood memories ko. Ilan sa mga entries nila na gusto ko ay ito:
“Ma’am ma’am ma’am ma’am ma’am! (habang naka ‘ultraman-raise-my-hand’)”-tipikal nang eksena ‘yan kapag nasa klasrum ako. Nakakainis! Talagang ayaw akong tawagin eh! Kahit bwisit na bwisit ako sa titser kong mukhang may peyborit na tawagin, lab ko pa rin siya. Totoong pangalawang magulang ko na ‘yan, dahil maliban sa nanay at tatay ko ay siya ang pumapalo sa pwet ko.
Tipikal nang nauuna ang mga estudyante sa kanya sa klasrum, para may ‘effect’ pagpasok niya. Bababa talaga ang happy schoolday meter ko eh. Feeling ko parati niya akong tatawagin bigla para itanong kung ano ang bagong science news report na alam ko.
Ito ang kadalasang mga armas ng aking butihing guro:
1. Chalk at pambura. Minsan nakalagay pa sa bulsa ni ma’am ang pambura. Sulat nang sulat. Bura nang bura. Pwede rin niyang ipambato ang chalk sa makulit na daldalero sa row 4.
2. Big eyeglasses. Matalinaw talaga. Kayang-kayang hulihin ang mga nagkokopyahan sabay dilat na parang kakain ng bata.
3. Patpat. Panturo ng mga salita sa pisara. Panghampas din sa pisara kapag maingay na ang klase. At syempre, hahampas din ‘yan sa mga palad mo ‘pag makulit ka.
4. Teacher’s table. ‘Yan ang base niya. Bigla nalang sumasakit ang ulo ko kapag lumalapit ako diyan eh. Parang may electromagnetic waves.
5. Spy. T@#na! ito ang sipsip na kaklase mong hindi mo alam eh nagchuchuchu na pala sa titser nyo. Mamatay ka na!
(special mention: ang takong ng sapatos ni ma’am na pang-apak sa sapatos mo, at ang mahahabang kukong pangkurot sa singit mo)
Pero hindi naman lahat ng titser eh terror talaga. Nagkataon lang na nakakatawa ang eksena ‘pag nagkakahulihan ng mga maiingay at natutulog sa klase. Uhm!
Napansin niyo bang may mga titser na parang balisa magturo? Kung mapapansin niyo, kaliskisin ang mga kamay nila. ‘Yan ay dahil nagmamadali na silang umuwi para isilong ang mga sinampay nilang damit sa labas ng bahay nila. Hindi na nga nagpapa-pray ‘yan eh.
Meron din mga titser na ‘cool’. At diyan ako kadalasang walang natututunan. Mas madalas kasi silang magpakopya sa blackboard kesa magsalita. Sila rin ang madalas magpauwi ng maraming assignment sa libro. Teacher ka ba?! - Alasais
Nakakatawa lang dahil totoo namang may ganun na mga teachers... May teacher din ako nung elementary na pasulat lang pasulat sa board. Ang nakakainis dun, ako yung nagsusulat sa board tapos magsusulat din ako sa notebook ko. Ang sakit kaya sa kamay! Di ba dapat exempted na ako? Yung blackboard na ang naging notebook ko. Hehe...
Much respect sa mga teachers, isang butihing guro rin kaya ang aking inay. Sabi ko nga sa comment ko dun, isa rin ang mama ko sa teachers na maraming tinitinda. May Avon, Sara Lee, Natasha, at kung anu-ano pa na direct selling chorva na 'yan. Ngayon, may bago... LOAD! hehehe.. Naiintindihan ko ang mga guro dahil sa liit ng sweldo nila eh marami pang kinakaltas! May GSIS, Pag-IBIG, SSS, etc. Pu----to kutsinta! Halos wala ng matira. Kasi naman, hindi rin nila maiwasang mag-LONDON. Loan dito, loan d'yan, london! Haha.. London para may pang-tuition.
Pero saludo ako kay mama, hindi napapagod dumaldal. Mula umaga hanggang gabi, lalo na pag mainit ang ulo, sinasabihan ko na s'ya na, "Ma, hindi ba napapagod ang bibig mo kakadakdak? Kanina ka pang umaga sa klase 'yan hanggang dito sa bahay... Hay buhay!" hehe.. S'yempre napipikon si mama. Alam ko naman na minsan pasaway talaga ako kaya umiinit ang ulo n'ya. Pero minsan parang nabibingi na ako... hehe!
Pero kahit ganun, alam kong nagsisikap s'ya para sa amin. Lahat nga ng pwedeng sideline pinapatos eh. Sabi ko nga, bakit nga ba hindi ko namana ang pagkabusiness-minded nya? Pero I'm proud of my MOM dahil kahit na apat na kaming magkakapatid nun at nasa elementary na ako at 2 years naman ang bunso namin eh pinilit n'yang mag-aral ulit at makatapos.
Naalala ko rin na sa tuwing papasok kami sa school, kasabay namin si mama na naka-uniform din. Tiniis n'ya yung mga panlalait ng mga kapitbahay naming walang ginawa kundi ang mag-chismisan sa tindahan na daraanan namin. Pero kung hindi ginapang ni mama ang pag-aaral, anu na kaya ang buhay namin ngayon na wala ng matinong trabaho ang papa ko at wala ring tinapos? Haayyy...
Mama, thank you po ng marami. Prawd ako sa'yo! :) Mahal kita (kahit hindi ko nasasabi sa'yo yan..).Labels: childhood memories