<body>

RECENT ENTRIES
♥ VIRAC, My Second Home
Tuesday, November 18, 2008 / 10:04 AM
Oct. 19, Cubao.
3:30 pm nung nakarating ako ng Araneta Center Bus Terminal, pupunta ako ng Virac Catanduanes. Akala ko nga wala na akong aabutang biyahe to Tabaco. Dun kasi ang babaan at sasakay naman ng barge papuntang Virac. Puno na yung bus na paalis na naabutan ko, so nagtanung na lang ako kung may susunod pa bang biyahe, buti na lang at meron pang biyahe ng 5:30 pm... At least pwede pa akong bumili ng pagkain at iba pang kailanagan ko at mag-relax ng konti. Sakatapat na mall ako pumunta which is Ali Mall.

Sobrang ngarag naman ako n'un dahil galing pa ako ng church. Ni-rush ko pa yung 3 CD burns na request. At pinahirapan ako ng mga bagahe kong ang bibigat, mga damit lang naman ang laman ng bagpack ko pero parang may mga bato sa loob. May paper bag na laman ay puro pagkain, chichiria at drinks. May maliit na body bag para sa personal things na dala ko like wallet, cellphones, digicam, medicines.. Tapos may negrequest pang bata (isip-bata pala, hehe!) na dalhin ko raw ang "Lolel brades". Ang bigat kaya nun! Pero dahil mabait ako, s'yempre dinala ko na. Ehem! hehe.. Nag-taxi na ako dahil nahihirapan talaga ako eh, kung hindi naman eh ok lang sa'kin magbus dahil 1 ride lang naman 'yun since na nasa Monumento naman na ako, pero go go go sago!

Tayabas, Quezon -1st stop-over.
Around 8:30 pm nung nag-stop ang bus para makapag-dinner at magkapa-unat-unat ang mga pasahero kasama na rin ang driver at kundoktor. Nagtanung ako sa isang nagtitinda dun ng mga kung anu-anong anik-anik. Sabi nya nasa Tayabas daw kami. Naisip ko medyo malayu-malayo pa ang byahe.

Next stop...
'yan ang hindi ko na alam dahil instead na bumaba pa ako, umiidlip na lang ako tutal nakapagdinner na naman ako at naka-wiwi na rin. Mas gusto ko pang ipikit ang mga mata ko dahil ngaragan ang paglalakbay ko. Wow, ang lalim!




Oct. 20, - Legaspi City, Albay.
Bente? Importanteng petsa. =)

Madaling araw nung naramdaman gising na yung mga tao, pagsilip ko sa bintana medyo madilim pa. Siguro mga 4:30-5 am na nun. Medyo maingay na sa bus, although magdamag namang may tugtog pero puro pampa-antok naman ang music. And that time, mga pampagising na. Bukas na rin ang ilaw sa loob ng bus. Sa gabi habang byahe, lights-off din ang bus except sa driver's seat at yung lights mismo ng sasakyan. Kahit pa'no, ilang oras din akong nakatulog pkahit pagising-gising pero kahit inaantok pa ako, ayus lang. konting tiis na lang naman eh makakarating na rin ako. Hindi na ako natulog ulet para makita ko naman ang mga magagandang view sa labas ng bintana. At yun nga, nakita ko na yung Mt. Mayon, senyales na nasa Bicol na nga ako. Hay salamat!

Tabaco Port.
Around 6-7:00 in the morning nung dumating kami sa Tabaco, at excited na! harhar! Konting oras na lang nasa Virac na ako. Yahoo Kulugu! Kahit pa'no, alam ko na kung saan ako bababa at kung saan ako dapat bumili ng ticket, alam ko na rin kung anung mga dapat ko pang gawin... =)

Hindi katulad nung 1st time kong bumyahe papunta dun nang mag-isa, hindi ko alam kung saan ako dapat bumaba. Dapat sa mismong pier.. Eh yung pasaway na kundoktor sumigaw ba naman ng "Pier, pier, pier!" Tapos halos lahat ng pasahero bumaba na rin. Ako naman si tanga, bumaba na rin! Akala ko nasa pier na ako nun. Eh hindi pa man din ako talaga nakatulog nun kahit idlip kaya bangag na bangag akong bumaba ng bus at pa-ekis-ekis ang lakad ko. Lutang na lutang ang pakiramdam ko as in "Wow paye, Heaven! S'yempre kahit maraming lumalapit at ng nag-ooffer na sa kanila na lang ako sumakay papuntang pier, deadma ako. Hindi ako nagpapahalatang hindi ko sila naiintindihan. Ahehe.. malay ko ba kung minumura na ako.. Nakita ko pa yung simbahan sa Tabaco. Dun ko lang din na-realize na wala pa pala ako sa pier dahil kahit medyo mahaba na yung nilalakad ko wala pa rin akong makitang dagat... pero syempre hindi naman ako nagpapahalatang hindi tagaro'n. =) Nung medyo malayu-layo na ako sa mga makukulit na tricycle driver na mukhang mga goons, may dumaan namang padyak na medyo bata pa ang driver. Sumakay na ako at nagpahatid sa pier. Buti na lang mabait s'ya,nag-warn sya sa'kin na 'wag daw ako masyadong magce-cellphone sa daan baka raw mahablutan ako. Para din palang Maynila eh, noh? Nagkalat ang mga snatchers, gising sila 24-ORAS! Haayyy...

Virac, here I come!
10:00 am ang dating ng barge. Finally tutubi!! I'm home! haha.. parang nag-abroad lang eh.. Kina Bajoy ako tutuloy. (O ha, rhyme!) S'yempre ang sundo, LATE! Pero naintindihan ko naman dahil habang excited akong makarating dun, magkasunod namang namatay yung tito at tita nya (side ng mama at papa nya). O, davah? Sabay pa, parang nag-usap.. Kaya unang gabi ko dun, LAMAY ang naging unang TAMBAY. (o, rhyme ulit! hehe) Wow bangag pa, puyatan agad.. Tsk tsk! Pero ayus lang.. ganun talaga ang buhay, minsan makakasalubong kang ubod ng swanget.. Anung konek???




Oct. 29 - Maribina Falls, Bato, Catanduanes

Sa mga naging gala at gimik namin, isa sa mga naging favorite ko eh yung Maribina Falls. Bukod sa malapit na, super affordable ang entrance at sulit na sulit puntahan. 2x kaming pumunta dahil yung una eh sobrang ulan.. Famvihira!










At dahil malakas kami magtrip, tumuloy pa rin kami. Sayang kasi yung mga araw ng stay namin ni Alice kung hindi kami makakagala man lang. (araw ka d'yan, umulan nga..) Pagdating sa Maribina, walang tao sa gate... Yes! Libre ng entrance.. pati cottage! Wala ring masyadong tao, solong-solo. Kaya lang hindi naman kami makapagtampisaw sa tubig na galing sa falls dahil sobrang brrrrrrrrr... ginaw! At ang tubig, hanep! Parang Capuccino lang na umaagos mula sa bundok. Kaso may dumating na umagaw ng trip eh. Yung nangangalaga sa lugar na yun. Kesyo bawal daw ang maligo nun sa falls dahil baha.. Anu daw? Sa falls bumabaha? San banda? Sarado daw sila... "Eh ateh, sira ba gate nyo? Bakit kami nakapasok kung sarado?" Sarap gumanun diba? Sana sinara nila yung gate.. Mga bopols din eh. hehehe... Pero may choice pa ba kami? Kung ayaw nyo 'wag nyo! (Hehe.. nagalit?) Agaw trip naman 'yun!











Ang aming baon:
Spaghetti na kulay dilaw at walang sauce, maanghang.
Iced-tea na orange flavor.
C2 Apple pero kulay orange din.
Barbeque... yung flavor ng V-Cut!
yung isa, basura.
at dalawang plastic na baso, wag na mangelam shot glass yan..










Since pinalayas namn kami, lipat na lang kami sa kabilang side ng road , katapat ng Maribina. Hindi ko alam kung anung tawag sa beach na yun eh pero naappreciate ko kasi kami lang din naman ang nagti-trip dun, para kaming mga asong ligaw.. Kung kelan kami nakaalis ng Maribina saka naman umaraw. Haaayyyy pasaway na ulan yan! Panira ng trip eh. Pero ok lang kasi i love beaches naman! Gumaganun pa? Maganda na ring umaraw pagdating namin sa dagat. At least hindi masyadong malakas ang hangin, mas ma-eenjoy ang tubig alat kesa tubig tabang.. hehe! natikman ko eh.. Try nyo.. ;P







Si Alice, ang babaeng nawawala sa sarili..


Mukhang balak pa magpakalunod eh, noh?
"Bading, hindi ka malulunod d'yan, mababaw.. dun ka sa malalim!"


Kanya-kanyang moment itoh, walang basagan ng trip..






Nov. 2 - Balik Maribina Falls













Sa wakas, umaraw din! Bumalik kami ng Maribina para naman ma-enjoy namin ang moments sa falls, hehe... Baweeeeee!


Tuwang tuwa naman ako dahil magaganda nang nagreregister sa digicam ko ang mga views na nadaraanan namin, nakakarelax talaga.. Nakakatuwa dahil sa kabilang side eh bundok tapos sa kabila naman yung beach.. impernez chuvaness, kulay blue na yung tubig sa dagat, nung umuulan kulay lumot eh. at ang maganda pa, hindi polluted ang hangin hindi gaya dito sa Maynila... Fresh air.. inhale...exhale... *ubo ubo ubo*





Medyo nagulat ako dahil ang daming tao pagdating namin sa Maribina, siguro dahil Sunday din nun... unlike nung pumunta kami na halos kami lang ang taong nandun maliban sa mga dumadaan na bumababa galing bundok na may bitbit na kung anu-ano... keber ba ng iba, hanapbuhay yun eh! Wapekssss!

Yeba! hala sige, baba! bagal...
Mga pasaway na'to, panay comment, puro daw ako picture.. ganun ha!
"Oist, walang mangga-grab ng piktyur ah? May kotong!"



Ang aking favorite, LATIK.
(parang suman na may matamis na sauce, yum!)


Swimmer yan, promise!
Sige nga, pakitaan mu kami ng mga moves mo! haha





Hapon na kami nakauwi, halos konti na lang ang mga taong nandun... Syempre malapit ng gumabi, baka may mga makilangoy sa'min na mga hindi nakikitang nilalang.. Pero impernes chenezzzz, sobrang enjoy!

Gabi, nagsimba kami ni Joy. Hindi na sumama si Alice dahil pagod na rin sya. Kumain kami sa tabing -dagat pagkagaling sa church...





Sorry na lang Dabz, nakalamang kami sa'yo, tulog ka eh. hehehe.. Di bale, may "bedroom scandal" ka naman, souvenir. hahahaha!










Isa sa mga nakaagaw ng pansin ko nung kumain kami sa Jollibee -- on Wheels! :) Hindi pala kami kumain dun, nagtake-out lang kami kasi wala namang dinning area eh, dun na lang namin kinain sa may tabing dagt malapit sa pier. In fairness, angcute! Dun lang kasi ako nakakita nun eh. From a far, kinuhanan ko yun ng pic...



Medyo mahal nga lang price compare sa original price ng bawat meal. Tinatawid pa kasi nila ng dagat yung van. From Tabaco, isasakay nila ng barge to Virac. Then mag-i-stay ng ilang weeks or maybe months. Tapos babalik na lang ulit sila... galing eh noh? :)

I enjoyed staying in Virac, Catanduanes... Tuwing nandun ako, feels like its my 2nd home. Maganda ang lugar, simpleng buhay, tahimik, malinis, fresh air, yung mga kailangang puntahan malalapit lang like church, beaches, falls, municipal hall, bank, groceries, etc. 'wag ka nga lang maghahanap nhg malaking mall gaya ng SM. Maliit lang ang mall nila dun parang sinlaki lang grocery store. Hindi ko nga lang nakuhanan ng pic.


Kahit magastos, sulit naman. Hindi nakakapanghinayang... may mga gabing sunud-sunod na nagkakayayaang kumain -- lugaw, hotdog sandwich at kung anu-ano pa. Busog! Mura! Super saya!

Nakakamiss.. :( sana nga makabalik ako this coming summer...

S'yempre isa sa pinkamahalagang rason kung bakit ako nagpunta dun ay dahil din sa isang espesyal na tao sa buhay ko na gusto kong makasama... Sino sya?




SIKRETONG M A L U P E T! :P





Labels: ,




ABOUT
♥ JC
Age, school, interests; You know the drills.

TAGBOARD
Tagboard max width 160px.

DEEJAY
Your music here, or advertisements?

AFFILIATES
Link
Link
Link
Link
Link
Link
Link
Link

© Layout done by materialisti-c. xoxo