♥ Tuwing Umaga Ang Aking Nakikita ay...
Wednesday, November 19, 2008 / 7:06 AM
Meron akong napansin nung nasa Sta. Elena (Virac) ako, sa bahay nina Joy. Tuwing umaga lagi kong nakikita si Tatay Jose a.k.a. Papay Jo alyas Lolo Pay na nakaupo sa may pintuan, kasama si Pingping - ang chocolate brown na aso na laging nakabuntot sa mga amo. =) Natutuwa lang ako na everytime na uupo s'ya doon, laging tumatabi sa kanya si Ping. Cute nila tingnan, parang Father and Son lang.. hekhek!
Papa Jo with Pingping.
Ay, s'yempre! Magpapahuli ba naman si Exim Syril a.k.a. 'Taytay" sa piktyuran? =')Natutuwa lang ako sa pamilya nila, mababait ang mga magulang. Hindi ko alam yung isang kapatid nya, kaninu kaya yun nagmana? hehe.. pis awt! baka palayasin nila ako sa susunod...
"Salamat po sa pag-ampon sa'kin... sa uulitin.."
I tenkyu, bow! *kaway kaway*
Labels: family