<body>

RECENT ENTRIES
♥ 8 Missed Calls
Wednesday, December 3, 2008 / 9:33 AM
Tumatawag sya. Oo, nakikita ko, naririnig ko rin. Hindi naman nakasilent phone ko eh. Pero hindi ko sinasagot, tinitingnan ko lang, hinahayaan ko lang. Naisip ko kasi na 1:30 am na, ganung oras tumatawag pa sya? Pero hindi ko na sinagot. Bigla na naman syang nagparamdam, alanganing oras pa... asar! Istorbo eh. Naiinis ako sa kanya, biglang nawawala pag nag-eexpect ako ng text o tawag (may utang kasi sya sa'ken eh kaya nagtatago! ahaha.. joke.), bigla ring sumusulpot pag narealize kong nag-disappear na sya. Parang kabute, parang lamang-lupa na hindi mo mawari... parang engot lang eh! Hmmp!

8 Missed Calls. Ang tyaga! Kainis! Kaya tinext ko na lang para kahit konti hindi naman magmukhang shunga...


Ako: Musta? Bakit gising ka pa? Pasensya na hindi ko nasagot. (kunwari na lang hindi ako naiinis sa'yo baka masira ang mood ko eh..)

Sya: Lasing ako.

Ako: (Nu ngayon? Pakelam ko?!) Bukas na lang tayo mag-usap. Tulog lang katapat nyan.

Sya: (tawag ulet)

Ako: (deadma. kung kelan lasing saka maiisip tumawag? hmp!)

Sya: (tumahimik)

Ako: Nyt.


Madalas nyang gawin yun kahit noon pa. Minsan nga alas tres ng madaling araw. Halleeer?? with the capital H! Maiinis ka talaga... hindi ba nya naiisip na baka sa ganung oras eh natutulog na ako? na baka nakakaistorbo sya? Wala ba syang isip? Alam kong alam naman nya yun eh kaya nakakainis, gigisingin ka pa talaga. Tapos pag sinagot ko ang sasabihin, "Natutulog ka na ba?" o kaya naman, "Ang tagal mo namang magising.." Ay, badtrip! Sinadyang gisingin ka tapos yun ang isasalubong sayo. Kaya madalas nasosopla ko yun sa asar eh. Pag hindi ko naman sinagot, expected ko na ite-text nya ako the next morning at sasabihing "Bakit hindi mo sinasagot tawag ko?" Abah! Anak ng chekwa naman! Helloooooo?! Sarap kutusan ng malutong eh! Sana tumawag sya ng maaga aga, diba? O kaya magtanung muna sya, "Gising ka pa ba?" Tokneneng! Adik yata yun eh...

Ex ko sya. Tama. Ex as in past. Past tense na! haha.. Hindi ko sya mapagtyagaan kausapin dahil... bakit nga ba? Siguro dahil naiinis lang talaga ako sa kanya. Dahil sa ginawa nya. Marami akong sama ng loob... alam kong alam nya yun dahil sinabi k na yun sa kanya nung bumalik sya sa matagal na pagiging "missing person" nya...

January 16, huli naming pag-uusap. I was crying -- sa mall, malapit sa mga telephone booth. Dun ako pumunta dahil alam ko na wala masyadong tao. Matagal ka ming nag-usap. Trying na mapaintindi sa'kin yung mga bagay-bagay na hindi ko na maintindihan. Hindi na nya alam kung pa'no na mag-eexplain sa mga ginawa nyang hindi nya akalaing madidiskubre ko. After na-cut yung line, sabay text sya sa'kin ng "Sorry....." napaisip ako, tapos umiiyak na lang.

Naghintay ako hanggang hating-gabi. Pero wala.

Days after, naghintay pa rin ako. Wala. Walang text o tawag galing sa kanya. Tinry kong tawagan sya pero "The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later." (Yung bwisit na recorded voice prompt na yun ang kumakausap sa'kin. Paulit-ulit parang pirated CD) Inisip ko na lang baka nagpapalamig lang sya dahil sa naging "misunderstanding" namin.

Lumipas ang 1 week, wala pa rin. Nahihirapan akong tanggapin na ganun-ganon nya na lang ako pinaghintay sa wala, ganun lang nya ako iniwan. Parang isang kuting na inilayo sa nanay at niligaw sa lansangan. Wala akong ginawa kundi umiyak. Araw-gabi, nagtatanung ako. Bakit ganun sya? Bakit bigla na lang syang nawala? Anu ba talaga ang totoo? Anu ba talaga ang nangyari sa'min? Akala ko ba mahal nya ako?

Binasa ko ulit yung mga naipong text messages nya sa phone ko, marami. Sinabi nya ring ako ang buhay nya. Hindi nya ako pababayaan... Hanggang huli tayo pa rin... "Hataw sa pambola! Ampotek! Asan ka na ngayon?!"

Hanggang sa naging dalawang linggo, tatlo... isang buwan, dalawa..

Sabi nga ni Kuya Jonathan, "May nangako na ba sa'yo?"
Sagot ko naman, "Oo.."
Sabi nya ulet, "Tinupad ba?"
Sagot ko ulet, "Yun nga eh, hindi... sinungaling!"
Tapos sabay banat ni kuya, "Pinangakuan ka na nga, gusto mo pa tuparin nya? Abuso ka naman!"
Hahahaha.. Kala ko pa naman makakausap ko na si Kuya Jonathan ng seryoso, walangya pa rin pala sumagot...






..to be cont.


tinatamad na ako ipagpatuloy eh. walang kwenta! hahaha...Justify Full



ABOUT
♥ JC
Age, school, interests; You know the drills.

TAGBOARD
Tagboard max width 160px.

DEEJAY
Your music here, or advertisements?

AFFILIATES
Link
Link
Link
Link
Link
Link
Link
Link

© Layout done by materialisti-c. xoxo