<body>

RECENT ENTRIES
♥ Alak pa nga!
Monday, December 1, 2008 / 7:43 PM
Bakit nga ba masarap ang alak? Bakit kapag nasimulan ng inumin ito eh hindi na mapigilan ang paglagok? Sunu-sunod, parang umiinom lang nga softdrinks...

Badtrip talaga! Hindi baleng mag-away kayo ng syota mo na naghihintay ng tawag galing sa'yo, basta alak ang usapan walang makakapigil, walang makakapagpatayo sa'yo sa inuman.

"Tagay!" kapag nabitin ka, magpapabili pa ng "Isa pa nga!" Tokneneng na yan... Bumabaha ang alak, kahit ang pulutan ay USA -- USApan! Buhay mo at ikaw ang laman ng kwentuhan. Ikaw na ang pulutan...

"Umuwi ka na!" Kahit ilang beses mo pang mabasa 'yan sa text message ng syota o asawa o ng nanay mo, keber! Wala kang pakialam kahit sino pa'ng magalit sa'yo. Kahit pumuti pa ang mga mata nila sa kahihintay, kahit magngungoyngoy pa sa pag-iyak ang syota mo sa sama ng loob at inis sa'yo...

Ano ka ba?! Mas important pa ba sa'yo ang alak at ang mga barkada mo? Mas nabibigyan mo pa ng oras ang pagtambay sa inuman kasama ng mga tomador na kapitbahay n'yo. Pinahahalagahan mo pa ang ALAK at ang ibang tao, mas iniisip mo pa ang sasabihin o kantyaw nila kesa sa nararamdaman at mabigyan ng sapat na panahon ang mga mahal mo sa buhay...

Kelan mo ba maiisip yun? Kelan mo titigilan 'yan? Kapag nagsawa na sa'yo ang pamilya mo? Kapag wala na kayo ng syota mo? Kapag wala ka ng pera pambili ng alak na ipapainom sa mga sunog-baga mong barkada at iniwan ka na?

Kung hindi ngayon, kelan pa?




Kapag pumuti na'ko? (Asa pah?)



ABOUT
♥ JC
Age, school, interests; You know the drills.

TAGBOARD
Tagboard max width 160px.

DEEJAY
Your music here, or advertisements?

AFFILIATES
Link
Link
Link
Link
Link
Link
Link
Link

© Layout done by materialisti-c. xoxo