Ayun oh! Gising na si papa. Kung di pa sya bumaba hindi ko rin maiisipang mahiga at matulog na. Lights are all off. Yung liwanag na galing kay lappy makikita nya from the outside of my room, malapit sa ceiling. Napansin nya kaya? Bagong gising naman, sana naalimpungatan lang. Sumbungero pa naman yun! Malamang sa malamang magbi-breakfast ako ng sermon kay mama. Magchu-church pa kami so dapat maaga pa gumising. Phew! Eh pa’no? Upto this moment, gising na gising pa rin ang diwa at katawang lupa ko. Lol!
Oh well, deep-well. . .
Ang alam ko malungkot talaga ako kaya hindi rin ako nakakatulog halos magdamag. EMO? Di naman, medyo lang. Masyadong pre-occupied ang utak ko ng mga bagay-bagay na magulo sa buhay ko. Plus, pag nag-internet ako ilang oras talaga inaabot. I started 10:45pm, o ha? Almost 4am na. Ilang gabi na’kong puyat. . . O_o
Borlogs na!
GOOD MORNIGHT! <3